Ang kwento ni Dahlia, isang katutubong Mandaya sa Davao

December 28, 2016

“Ang ALS ay tadhana ng aking buhay.” - Dahlia Sarasate

 

Si Dahlia Sarasate ay isang Davaoeña na nakatira sa Calinan, Tugbok District. Hanggang elementarya  lang ang natapos ni Dahlia dahil sa layo ng kanilang bahay sa paaralan.

Masipag na bata si Dahlia. Upang makatulong sa pamilya, nagpunta sya sa Cotabato upang doo’y maghanap ng trabaho. Habang nagtatrabaho, nakilala niya ang kanyang kabiyak sa buhay at dito na nakapag-asawa. Nagkaroon siya ng tatlong anak.

Nang magsimulang mag-aral ang kanyang mga anak, dito siya nagsimulang makilahok sa mga Parents-Teachers Association (PTA) meetings Ulamian Elementary School kung saan nag-aaral ang mga anak. Dito din sya nagsimulang makilala sa paaralan hanggang sa pinalad siya at nahalal na PTA President.

Dito niya nalaman ang tungkol sa Alternative Learning System (ALS) na program ng Department of Education (DepEd). May isang pagkakataon na tinanong siya ng prinsipal kung ano ang kanyang natapos at dito ay sinabi niya na hanggang elementarya lamang ang natapos niya. Pinayuhan siya nito na mag-aral siya muli sa ALS upang makapagtapos siya ng sekundarya. Agad naman itong tinugunan ni Dahlia.

Pumasok sa ALS tuwing Sabado. Ginawa niya ang lahat upang makapunta tuwing may session. Habang siya’y nag-aaral, sumali din si Dahlia sa Special Training on Employment Program (STEP). Natapos niya ang kursong Massage (NCII). Masaya si Dahlia dahil marunong na siyang magmasahe, nagkaroon pa siya ng hanapbuhay.

Lalo siyang nagalak noong nalaman niya na pumasa siya sa A&E Test noong Abril, 2015. Sadyang napakaraming bagay ang nagbago sa kanyang buhay simula ng makilala nya ang ALS.

Sa kasalukuyan, siya ay nasa Maynila at naghahanda upang makapagtrabaho sa ibang bansa bilang masahista.

 
The Alternative Learning System Accreditation and Equivalency (ALS A&E) Test, formerly known as the Non-formal Education A&E Test, is a paper and pencil test designed to measure the competencies of those who have neither attended nor finished elementary or secondary education in the formal school system.

Passers of the A&E Test are given a certificate/diploma, bearing the Department of Education (DepEd) seal and the signature of the Secretary, certifying their competencies as comparable graduates of the formal school system. Passers are qualified to enroll in secondary and post-secondary schools.