Ang kwento ni Johaireen, isang batang ina

January 3, 2017

“Ang ALS ang nagbukas muli ng pinto sa lahat ng oportunidad  para sa akin.” -Johaireen K. Senda

Si Johaireen Senda ay isang batang ina. Subalit sa hindi pagkakasundo ng kanyang mga magulang at ang magulang ng kanyang asawa, ay napilitan silang maghiwalay ng kanyang nobyo. Gusto ng kanyang magulang na maghanap-buhay ang kanyang asawa habang nag-aaral. Sa kabilang dako ayaw ng magulang ng asawa niya na habang nag-aaral ito ay naghanap-buhay pa. Ang mga hindi pagkakaintindihang ito ay humantong sa hiwalayan noong Hunyo 2015. Tila gumuho ang mundo ni Johaireen kasabay ang oportunidad na makapagtapos ng pag-aaral.

Isang araw, nalaman ng nanay ni Johaireen ang tungkol sa Alternative Learning System (ALS) mula sa nagmamaping na ALS implementers sa kanilang lugar. Naging interesado dito ang nanay ni Johaireen at naisip niya na baka ito ay makatulong sa kanyang anak. Pinag-enrol kaagad ng niya dito ang anak..

Unang pasok ni Johaireen sa ALS session, nakitaan na siya ng galing ng kanyang guro sa pamamagitan ng resulta ng kanyang Functional Literacy Test (FLT). Ayon sa pinirmahan niyang  Individual Learning Agreement (ILA) papasok lamang siya sa takdang araw. Kaya ang ginawa ni Johaireen, nanghihiram siya ng modules pagkatapos ng session at pinag-aralan niya ang mga  iyon sa bahay.

Sa paglipas ng mga araw lalong pinagbutihan ni Johaireen ang pag-aaral niya sa ALS. Nararamdaman niya sa pamamagitan ng ALS, matutupad ang lahat ng pangarap niya na makatapos ng pag-aaral.

Doble ang ginawa niyang pagpupursige sa pag-aaral upang makapasa sa pagsusulit sa A&E. Sa loob- loob pa niya, ipapakita niya sa kanyang naging asawa at biyenan na sa pamamagitan ng ALS ay makakapagtapos siya ng pag-aaral.

Noong Hunyo 2016, lumabas ang resulta ng kanilang pagsusulit. Sobra ang saya ni Johaireen dahil napabilang siya sa listahan ng mga mapalad na nakapasa! Ang lahat ng mga ito ay handog niya sa kanyang magulang na minsan na niyang binigo. Kaya hindi mapantayan ang naramdamang saya nng pamilya ni Johaireen lalo na noong umakyat na siya sa entablado nang araw ng kanilang pagtatapos noong Hulyo 30, 2016. Sa araw na iyon napagtanto ni Johaireen na talagang nakapagtapos na siya ng sekondarya.

Kasalukuyang kumukuha ng kursong Associate in Agricultural Technology si Johaireen ngayon sa Cotabato City State Polytechnic College (CCSPC). Sumali rin siya sa Salamindanao Dance Troupe at naging daan ito upang siya ay maging iskolar.

Sa kanilang paaralan ipinagmamalaki ni Johaireen na produkto siya ng ALS. Sa buong campus nila pang-lima siya sa pinakamagaling na mananayaw ng Salamindanao.  

“Sa kagaya kong isang batang ina, hiwalay sa asawa, nawalan ng pag-asa upang makapag-aral muli, ang ALS ang nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon upang maabot ko ang kinaroroonan ko ngayon,” wika ni Johaireen.

The Alternative Learning System Accreditation and Equivalency (ALS A&E) Test, formerly known as the Non-formal Education A&E Test, is a paper and pencil test designed to measure the competencies of those who have neither attended nor finished elementary or secondary education in the formal school system.

Passers of the A&E Test are given a certificate/diploma, bearing the Department of Education (DepEd) seal and the signature of the Secretary, certifying their competencies as comparable graduates of the formal school system. Passers are qualified to enroll in secondary and post-secondary schools.

END