Panibagong Pag-asa: Ang kwento ni Shiela Mae, isang ina

February 17, 2017

“Sa ALS may bagong Pag-asa. Ito ang daan sa magandang buhay.” - Shiela Ordaniza

Si Shiela Mae ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil siya ay maagang nabuntis. Marami siyang pangarap sa buhay ngunit iyon ay hindi natupad. Nawalan na siya ng pag-asa. Alam niya na hindi niya kayang pagsabayin ang pag-aaral, pag-aalaga ng bata at paghahanapbuhay. Akala niya ay hindi na mababago pa ang kanyang buhay.

Dumating ang araw na nagbukas muli ang oportunidad upang bumangon at matupad niya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Isang araw ay pinagtagpo si Shiela at ang programang Alternative Learning System (ALS) sa daan at doon nagsimula ang panibagong pag-asa na kanyang inaasam-asam.

Dahil sa pagnanais na mapaganda ang buhay ay nagsumikap siya at nagpursige. Dahil sa programa na hatid ng ALS ay nakaya niyang pagsabayin ang pag-aaral, pag-aalaga ng mga anak at paghahanapbuhay. Sa awa ng Diyos, sa taong 2014 ay nakapasa siya sa A&E Test. Siya ay nakapagtapos din sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kursong Cookery NCII.

Sa ngayon, siya ay nagbabalak na magpatayo ng kainan para sa ikagaganda ng kanilang buhay.Sabi nga niya, “Mabait ang Diyos, dapat daw huwag tayong mawalan ng pag-asa.” Nagpapasalamat siya sa ALS na naging daan sa kanyang pagbangon. SA ALS niya nakita ang bagong pag-asa.

“Dahil sa pag-ibig at sa mura kong isipan ay maaga akong nabuntis at nag-asawa. Sa madaling salita ay hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil doon ay nawalan ako ng pag-asa na maabot ko ang aking pangarap. Ngunit ang pag-asang iyon ay unti-unti kong nasilayan ulit dahil sa ALS,” wika ni Shiela Mae.

The Alternative Learning System Accreditation and Equivalency (ALS A&E) Test, formerly known as the Non-formal Education A&E Test, is a paper and pencil test designed to measure the competencies of those who have neither attended nor finished elementary or secondary education in the formal school system.

Passers of the A&E Test are given a certificate/diploma, bearing the Department of Education (DepEd) seal and the signature of the Secretary, certifying their competencies as comparable graduates of the formal school system. Passers are qualified to enroll in secondary and post-secondary schools.

END