DO 81, s. 1987 – Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
August 6, 1987
DO 81, s. 1987
Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
Sa: Mga Direktor ng Kawanihan
Mga Direktro ng Rehiyon
Mga Superiniente ng mga Paaralan an
Mga Pangulo Pampamahalaang Kolehiyo at Unibersidad
Mga Pinuno ng Pribadong Paaralan, Kolehiyo at Unibersidad
- Kaugnay ng itinadhana ng Konstitustion ng 1986 hinggil sa patuloy na pagpapayabong at pagpapayaman ng Filipino bilang pambansa at pampamahalaan wika, at pag-ayon pa rin sa Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987 at pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa, ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (dating Sutian ng Wikang Pambansa), sa tulong ng mga linggwista/dalubwika, manunulat, propesor/guro at mga samahang pangwika, ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino.
- Kalakip nito ang sipi ng bagong “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na magkakabisang kagyat.
- Hinihiling ang pagpapaabot ng Kautusang ito sa lalong madaling panahon sa lahat ng mga kinauukulan sa larangan.
(LGD.) LOURDES R. QUISUMBING
Minister
Kalakip: Gaya ng nasasaad
Mga Sanggunian: Mga Kautusang Pangkagawaran: Blg. 22, 52, and 54, s. 1987
Pamumudmod: 1-2-3-4–(M.O. 1-87)
Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa:
BUREAUS AND OFFICES
LANGUAGE
RULES AND REGULATIONS
SOCIETY OR ASSOCIATIONS