DO 14, s. 2001 – Pagwalang-Bisa sa Kautusang Pangkagawaran BIg. 81, s. 1987 (Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino

 

March 20, 2001
DO 14, s. 2001
Pagwalang-Bisa sa Kautusang Pangkagawaran BIg. 81, s. 1987 (Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
Sa:   Mga Direktor ng Kawanihan
Mga Direktor ng Rehiyon
Mga Superintendente ng mga Paaralan
Mga Pangulo, Pampamahalaang Kolehiyo at Unibersidad
Mga Pinuno, Pribadong Paaralan, Kolehiyo at Unibersidad

1.  Kaugnay ng itinatadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa patuloy na pagpayabong at pagpayaman ng Filipino bilang pambansa at pampamahalaang wika, at pag-ayon sa paghiwalay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports ayon sa R.A.7104, ipinauubaya sa naturang Komisyon ang pagbago at pag-istandardayz ng alpabeto at ispeling ng wikang Filipino.
2.  Dahil dito ay pinawawalang-bisa ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987, “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.”
3.  Hinihiling ang pagpaabot ng Kautusang ito sa lalong madaling panahon sa lahat ng mga kinauukulan sa larangan.

 

RAUL S. ROCO
Kalihim

 

Sanggunian:

Kautusang Pangkagawaran: Blg. 81, s. 1987

Pamumudmod: 1—(D.O. 50-97)

llalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim
ng mga sumusunod na paksa:

BUREAUS & OFFICES
LANGUAGE
RULES & REGULATIONS

DO_s2001_014