DO 42, s. 2006 – Pag-Review ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”

October 9, 2006
DO 42, s. 2006
Pag-Review ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”
  1. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay kasalukuyang nagsasagawa ng pag-review sa “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”. Ito ay bunga ng mga negatibong feedback mula sa mga guro, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika kaugnay ng nilalaman ng binagong patnubay sa ispeling at ang implementasyon nito.
  2. Kaugnay nito, itinatagubilin sa lahat ng mga kinauukulan na itigil muna ang implementasyon ng nabanggit na revisyon habang nirereview ito at pansamantalang sangguniin ang 1987 Alpabeto at Patnubay, sa Ispeling (Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987) para sa paghahanda o pagsulat ng mga sangguniang kagamitan sa pagtuturo at sa mga korespondensya opisyal.
  3. Kalakip nito ang 1987 Patnubay sa Wikang Filipino na binuo ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino.
  4. Hinihiling ang daglian at malawakang pagpapalaganap ng Kautusang ito.

Kalakip: Gaya ng nasasaad
Sanggunian: Kautusang Pangkagawaran (Blg. 81, s. 1987) Pamumudmod: 1—(50-97)

Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa:
BUREAUS & OFFICES LANGUAGE
RULES & REGULATIONS SOCIETY or ASSOCIATIONS

DO_s2006_42