October 7, 2009 DO 104, s. 2009 – Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino

October 7, 2009
DO 104, s. 2009
Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino

Sa mga: Direktor ng Kawanihan
Direktor ng Rehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno/Puno ng mga Pribadong Paaralan

  1. Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at tuntunin sa pagbaybay. Tinawag itong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ang gabay na ito ang ipatutupad simula sa petsang nilagdaan ito. Ang implementasyon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ay pansamantalang ipinatigil noong 2006 at iminungkahing ang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ang gamiting sanggunian sa pagtuturo at sa korespondensiya opisyal sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006.
  2. Upang maiwasan ang kani-kaniyang interpretasyon sa paggamit ng kalakip na gabay, hinihiling ang pagdalo ng mga kinauukulan sa isasagawang seminar kaugnay ng paggamit nito. Ang seminar para sa pagtatamo ng kaalaman at kasanayan sa paggamit ng gabay ay itatakda sa magkakahiwalay na petsa at lugar.
  3. Anumang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 Gabay ay mananatiling ipatutupad. Tuluyan nang isinasantabi ang 2001 Revisyon ng Alfabeto at 1987 Alpabeto.
  4. Para sa iba pang detalye sa Gabay, maaari kayong tumawag sa:
    Komisyon sa Wikang Filipino
    Sangay ng Lingguwistika
    Telepono Blg.: (02) 736-2525, local 107
  5. Hinihiling ang daglian at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

Kalakip: Gaya ng nasasaad
Sanggunian: Kautusang Pangkagawaran: (Big. 42, s. 2006)
Pamumudmod: 1—(D.O. 50-97)

Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa:
CHANGE
LANGUAGE
Learning Area, FILIPINO
RULES & REGULATIONS SOCIETY or ASSOCIATIONS

DO_s2009_104