Lib-Og Es Foto Story
“Fight for Life”. Ito ang nasambit ng isang ina nang minsang nagkatinginan kami at kinumusta sila ng kanyang mga anak. Ito sina Kyle at Bryan Aballe, dalawa sa pitong (7) magkakapatid. Pang- apat si Bryan at nasa grade IV, pang-anim naman si Kyle na nasa Kinder .Kuha ito noong unang nagsimula ang feeding program ng Hapag-asa sa pakikipag- tulungan ng Edmund Rice. Ang pamilya ni Jeanita Aballe, ina ni Kyle at Bryan kasama ng iba pa niyang limang (5) anak ay sama-samang nakatira at namumuhay sa isang bahay na yari sa kahoy. Maituturing na mahirap dahil sa walang katuwang na naghahanap buhay para sa pamilya. Tanging ang pagluluto ng kung anu-anong pagkain na naititinda at tulong mula sa mga kapatid niya ang ikinabubuhay nila.
Tatlong taon palang si Kyle nang iwan sila ng kanilang ama dahil sa pagsama sa ibang babae. Noong una ay paminsanminsan pang umuuwi sa kanila ang nasabing padre de pamilya, ngunit kalaunan ay tila nakalimutan na kung sino ang kanyang tunay na pamilya.
Malaking kawalan sa kahit na kaninong pamilya ang mawalan ng ama. Ito ang isang napakalaking sanhi kung bakit “wasted” ang kanyang tatlong mga anak.
Ang kanyang panganay na si Kent ay 1st year college na sa tulong ng isang scholarship program para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Siya ngayon ay nasa LA VIRDAD CHRISTIAN COLLEGE ng Pampanga. Si Bhea naman ang pangalawa na isa ng 4th year high school na sa Manhilo National High School. Ang pangatlo ay si Rhea na grade 7 na sa parehang eskwelan. Ang pangatlo naman ay si Dejie na nasa grade 2, at pang-pito si Edrian na magki- Kinder na sa susunod na pasukan.
Makikipagsapalaran sana si Jeanita sa Maynila upang hanapin ang kanyang asawa, ngunit nangibabaw ang kanyang awa sa magiging kalagayan ng kanyang mga anak kung sakaling iwan niya ang mga ito. Kaya’t minabuti niyang buhayin at isulong ang pag-aaral ng kanyang mga anak gaano man ito kahirap.
Naging malaking tulong ang feeding program na ipinagkaloob ng Hapag-asa Integrated Nutrition Program sa mga piling mag-aaral sa aming paaralan lalo na kina Bryan at Kyle upang maging normal ang taas at timbang nila.
Paulit-ulit na ipinaaabot ni Jeanita kasama ng kanyang mga anak ang malaking PASASALAMAT sa Edmund Rice at Hapag-asa. Naway marami pa kayong matulungang kabataan na napagkaitan ng magandang buhay at maliwanag na kinabukasan.
Ito na ngayon si Bryan……