Bilang isang mag-aaral na mayroong kapansanan, maraming pagsubok ang kinaharap ni Jenica Mae M. Serrano, isang Senior High School graduate sa ilalim ng Technical-Vocational-Livehood track mula sa Peňafrancia, Daraga, Albay.
Sa kabila ng kanyang problema sa pandinig, ipinakita niya na hindi ito hadlang upang maipakita niya sa kapwa niya mag-aaral ang kaniyang kakayahan nang magsimula siyang mag-aral sa SEPC Center ng Pag-asa National High School (ngayon ay Legazpi City National High School).
Nang tahakin at piliin niya ang Bread and Pastry Production/ Food and Beverages Servicing/Cookery bilang kaniyang specialization, maraming oportunidad ang kaniyang natanggap upang paunlarin pa ang kanyang kakayahan.
Ginawaran siya ng Best in Work Immersion (2017) at Best in FRIES (Preparation) 2017 noong nagtapos siya nitong 2018. At, dahil na rin sa kanyang kakayahan at sipag, naging regular employee siya sa McDonald’s Food Chain kung saan din niya ginugol ang kaniyang work immersion.
Ipinagpatuloy niya ang magandang performance sa kanyang trabaho nang gawaran siya ng kompanya na iba’t iba pang pagkilala. Pinangako rin niyang ipagpapatuloy niya ang kanyang nasimulan at paiigihan pa niya sa kanyang trabaho upang mas marami pa siyang makamit.
“Let difficulties be a journey and not a destination. Do not easily give up when faced with challenges. It doesn’t matter if the recipe is simple or complicated, it matters how you mix the right ingredients and blend the flavors that determine your success,” aniya.