Nagsisilbing tanglaw sa gitna ng karimlan ng mga pagsubok ang pagpapatuloy sa edukasyon sapagkat ito ang maaaring makapagbigay ng pagkakataong mabago ang pamumuhay sa habangbuhay. ‘Lifeline’ kung maituturing ni Jerick C. Dominguez ang kanyang pag-aaral at pagtatapos sa Senior High School dahil itinuturing niya itong mahalagang sangkap tungo sa pagbabago at pagtatagumpay mula sa lahat ng hamon sa buhay.
Bago pa man nakatapos si Jerick sa Enrique Villanueva National High School sa ilalim ng TVL- Electrical Installation & Maintenance (EIM) NC II noong 2019, naulila siya sa kanyang ama nang siya ay 14 taong gulang pa lamang at sa murang edad ay naranasan na niyang pagsabayin ang pag-aaral sa pagkayod niya bilang karpintero, mangingisda, at empleyado ng vulcanizing shop. Ngunit ang mga hamon na ito ang siyang nagpatatag sa determinasyon niya na magpatuloy sa edukasyon at nag-ukit ng buhay ng kanyang pamilya tungo sa kaginhawaan.
“I learned to show respect to everyone around me, to be cooperative, and to exercise fairness in all my undertakings. My family, relatives, and friends are so happy that I finally got a job in PROSIELCO. They are very proud of what I have achieved in life,” wika ni Jerick.
Dahil sa kanyang walang humpay na serbisyo at kasipagan, ginawaran siya ng Certificate of Recognition bilang “Warrior of Light” ng kanyang kumpanya kahit ilang taon pa lamang na siya ay nagtatrabaho sa PROSIELCO. Aniya, hindi hadlang ang kahirapan sa pagtupad ng mga pangarap.
Ayon sa kanyang mga mentors na si Gng. Anna-Liza S. Jimenez at G. Daryl Jay L. Cagais, nakitaan na nila noong una pa lamang ang kanyang natural na kakayahan sa Electrical Installation and Maintenance (EIM) at magandang work ethics. Dahil dito, himinok nila at inirekomenda nila na mag-apply si Jerick sa PROSIELCO, isa sa mga kilalang kumpanya sa electric power distribution sa bansa, bilang isang Junior Lineman.
“I decided to work in PROSIELCO so I can show everyone that the skills and knowledge I learned in school relative to my chosen track and strand were not put to waste,” pahayag ni Jerick.
Para kay Jerick, mabilis niyang natutunan ang iba’t-ibang mga bagay na hindi lamang nalalaman sa loob ng paaralan. Ginamit niya ang mga kasanayan na ito upang mas mapahusay ang kanyang kakayahan sa pag-aaral ng kanyang track na napili. Ngayon, naging mas maginhawa na ang pamumuhay ng kanyang pamilya dahil sa kanyang pagsisikap.