Pagpupursigi ng dalawang student-jins na sina Caleb Angelo G. Calde at ni Valerie Chriselle B. Oglayon, pawang Grade 8 learners ng National Academy of Sports (NAS), ang naging susi upang kanilang makamit ang gold medals sa Taekwondo sa 2023 National Online Poomsae Championships. 

Mula sa inorganisang kompetisyon ng Philippine Taekwondo Association (PTA) sa poomsae, naging kampeon si Calde sa Individual Cadet Male at Pair Cadet Black category, habang nangibabaw naman si Oglayon sa Individual Cadet Female Black category.  

“Tinitingnan nila ang presentation at accuracy ng bawat galaw at binibigyan ng puntos batay sa aming speed, power, rhythm, tempo, and expression of energy. Kaya naman pagdating sa competition, confident kami maglaro,” pagbabahagi ni Oglayon sa pamamaraan ng judging sa poomsae.  

“Ako po ay sobrang nagalak dahil po ako po ay nanguna laban sa 20 participants na dumalo at ang iba pa po roon ay mula sa national training pool,” pagbabahagi ni Valerie. 

Malaki ang kontribusyon ng NAS sa kanilang pagkapanalo sapagkat hindi lamang world class training sa online at on-site through training camp ang kanilang tulong sa student-athletes kun’di binibigyang kahalagahan din ang tamang nutrisyon, strength and conditioning, at sports-specific coaching, at tips sa poomsae.  

“Ang masusing paggabay at suporta ng mga coaches ay nakamo-motivate sa amin para maging positibo sa training. Sa gayon, hindi kami nahihirapan sa training kundi nag-eenjoy kami na gawin ang mga pagsubok sa training.  Kaming lahat ay patuloy na nagpapasalamat sa inyong lahat NAS Family,” saad naman ni Calde. 

Para naman sa kabataan na gustong sundan ang yapak ng student-jins, payo nina Calde at Oglayon na laging mging masigasig sa training at maging mapagkumbaba para maabot ang mga pangarap.  

END