Maituturing na nag-ukit ng ‘di matatawarang kultura at tradisyon ang mga katutubong Butbut ng Buscalan mula sa Tinglayan, Kalinga. Isa nga sa kanilang ipinamanang sining ay ang pagbabatok o ang hand-tapped body art.  

Bilang pagkilala at ma-preserba ang tradisyon na ito, inilunsad ang sining ng pagbabatok bilang Senior High School Strand sa ilalim ng Technical-Vocational-Livelihood Track sa Southern Tinglayan National High School (STNHS).   

“It became a popular topic in Kalinga since indigenous hand-tapped body art has a long and rich history and it is very important that this ich culture must be passed down through generations,” ani G. Levys Banao, School Principal ng paaralan. 

Ibinahagi ni Bb. Shirley Sagwil, Teacher II at Tattoo Coordinator ng paaralan, na ayon sa mga tradisyonal na mga mambabatok o hand-tapped body art expert ng tribong Butbut, ang mga disenyo ng body art ay batay sa mga nakikita sa komunidad, mula sa mga obserbasyon sa paligid at mga maitututuring na bagay na may kahalagahan sa buhay ng mga tao. Ilan sa mga halimbawang disenyo ay ang tinaku (fern), tinabtabwhad (snake), at tinatalla’aw (rice mortar). 

Sinimulan ang inisyatiba sa mga programa ng SHS at IPEd ng STNHS bilang tugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa kaalaman at kasanayan sa sining ng pagbabatok. 

“The traditional hand-tapped body art curriculum aims to preserve and promote this unique art for the future generations, by imparting knowledge of traditional hand-tapped body art to the young generations and to train them to practice the said art for its preservation and continuous propagation,” ani Bb. Shirley Sagwil, Tattoo Coordinator ng paaralan. 

Katuwang ang mga mambabatok sa komunidad ng Kalinga, sa pangunguna ni Apo Whang-Od, isang centenarian at pinakamatandang mambabatok sa komunidad ng Kalinga, inaasahan ng dibisyon ng Kalinga at ng paaralan na matitiyak ang tuluy-tuloy na implementasyon ng Tattooing strand at pagpreserba sa kultura. 

“There is a need to know and learn about the traditional hand-tapped body art so that it will be preserved and promoted. Further, through this curriculum it is hoped that the negative stigma of tattooed people will be erased if not diminished,” ika ni Bb. Sagwil. 

END