Bitbit ang kanilang galing sa panlasa at pagluluto, nagpakita ng husay ang mga learner- Binitbit ni Yvonne Wayne Ranque sa kaniyang pagsabak sa 2023 National Festival of Talents (NFOT) – Technical Drafting ang pangarap niya at ng kaniyang pamilya na maging bahagi ng Construction Industry sa hinaharap bilang isang architect o engineer.
“Gusto kong ma-achieve yung sinabi ni Papa which is yung pagiging architect at soon gusto ko rin pong maging engineer,” kwento ni Yvonne.
“Inspirasyon ko po ‘yong mga magulang ko, lalo yung mother ko kasi siya ‘yong nagturo sa’kin na mag-drawing ng mga bahay,” dagdag niya.
Dahil dito, pagtungtong ni Yvonne sa Senior High School, kumuha siya ng Technical-Vocational Livelihood track sa Molave Vocational Technical School sa Zamboanga del Sur kung saan nagtapos siyang with high honors at naging kinatawan ng Zamboanga Peninsula Region sa Technical Drafting category ng NFOT.
“Na-train po ako nang maganda, natutunan ko po yung mga command dito sa AutoCAD in less than one month lang,” aniya.
Baon ni Yvonne ang kaniyang magandang karanasan sa NFOT sa pagbuo ng kaniyang pangarap na maging isang Architect o Engineer para sa kaniyang sarili, pamilya, at komunidad.
“Amazing po ang nararamdaman ko, sobra pong nakaka-proud dito sa exhibition kasi galing po ako sa maliit na barangay so i’m proud to be here,” aniya.