Kakaibang galing ang ipinamalas ng binansagang Promising Young Chess Princess na si Jamilla Mae Comanda ng Surigao City, nang itanghal siyang pinakabatang kampeon sa CARAGA Regional Palaro Chess Category.
Ayon kay Jamilla, sa murang edad pa lamang ay namulat na siya sa mundo ng Chess at kaniya itong naging libangan kasama ama, na siya ring nagturo sa kaniya, at kanyang ina, na isang chess fan din.
Bukod pa rito, nagustuhan niya ang paglalaro ng chess dahil nagkakaroon siya ng maraming kaibigan at nagiging masaya siya kapag nakikipagkumpitensiya siya.
Nagsimula siyang lumahok sa friendly competitions sa Surigao Chess Plaza noong nasa Ikatlong Baitang siya. Pinakabatang atleta rin siyang nang lumahok siya sa “Battle of the Minds” at nagkaroon din siya ng pagkakataong makipagkumpitensiya sa mga online tournament sa kasagsagan ng pandemya.
At nitong taon nga lamang ay tinanghal siyang pinakabatang Regional Champion sa kaniyang kategorya sa Chess Elementary Girls kung saan nakakuha rin siya ng tiket papuntang 2023 Palarong Pambansa na gaganapin ngayong Hulyo sa Marikina City.
“During trainings and competitions, sa tingin ko sa kaniya ay relax lang kasi talaga siya na parang namulat na siya sa paglalaro ng chess. Kasi ‘yong Mommy niya, siya ‘yong coach niya. ‘Yong Daddy niya rin ‘yong trainer niya so parang kampante lang siya talaga,” saad ni Tessie Dolories, EPS-Division Sports Office at coach ni Jamilla.
Ayon din kay Coach Tessie, mahalaga na magkaroon ng sports program ang mga paaralan sa bansa upang makapag-produce pa ang ating bansa ng mga magagaging na atleta sa bawat pampalakasan sa murang edad pa lamang, katulad ni Jamilla.
“We’re advocating the school sports program and we really wanted all our athletes from other sporting events to really join and be part of the after-school sports program. Kasi, hindi naman porket isa lang ‘yong magaling na player sa isang school, siya lang ‘yong permanent na maglalaro,” aniya.