Hindi man galing sa iisang probinsiya at dibisyon, nangibabaw pa rin ang mga atleta ng Sepak Takraw ng Region XII (SoCCSKSarGen) ang sportsmanship at pagtutulungan upang kanilang masungit ang unang gintong medalya ng rehiyon para sa Sepak Takraw Secondary Boys Team category.
Naging inspirasyon nila ang isaβt isa at maging ang kanilang naiwang teammates upang lalo nilang galingan at pagbutihin ang pakikisama sa isaβt isa.
βNaging inspirasyon po namin ang aming trainer at βyong mga naiwan po naming teammates. Kasi po, nagkaroon ng regional selection. Kami pong magkakasama ngayon, galing po kami sa ibaβt ibang probinsiya,β ani Jun Roy Moring, Team Captain ng grupo.
βMalungkot kasi hindi βyong original teammates namin, pero iniisip po namin na mas okay na rin po kasi nag-select the best naman, at nang dahil sa select the best nag-champion kami rito,β dagdag niya.
Ibibinahagi ng grupo na masaya sila dahil ito ang unang pagkakataon na nanalo ang kanilang rehiyon sa Sepak Takraw Secondary Boys at nagbunga rin ang kanilang pagpupursige sa training.
Dagdag nila, nawalan na rin sila ng pag-asa na makalaro sa Palarong Pambansa dahil nag-pandemic, kaya malaki ang pasasalamat nila na bumalik ang Palaro ngayong taon bago sila maka-graduate ng sekondarya.
Ayon kay Coach Ma. Crisalle Lab-ab, hindi umano siya nahirap sa pagte-train ng grupo kahit na sila ay galing sa ibaβt ibang probinsiya sa rehiyon, dahil nangibabaw pa rin ang kanilang pangarap na manalo.
βOkay ang naging training nila dahil kung sa skills nila, nandoon naman na, ang in-enhance na lang sa kanila ay βyong attitude nila. At dahil sa pagsasamahan nila, na-fulfill nila βyong dreams ng mga bata na namanalo at magka-gold.β