Pinatunayan ng koponan ng CALABARZON Elementary Boys Basketball Team na hindi palaging “height is might” sa larangan ng basketball nang makamit nila ang una nilang panalo sa Palarong Pambansa 2023 na kasalukuyang ginaganap sa Marikina City.
“Kita niyo naman po kahit maliliit sila, all out po talaga yan maglaro. Hindi po sila takot e, talagang binibigay po nila yung best eh. Namo-motivate po sila ng parents nila. Bumabyahe po talaga yung mga parents nila para manood at mag-cheer,” kuwento ng kanilang coach na si Sir Jeffrey Kentzie.
Aminado man na maliliit ang karamihan sa kanilang koponan, alam naman ng CALABARZON Basketball Team kung saan sila dapat magpokus bukod sa paggamit ng kanilang liksi para makakuha ng panalo.
“Lakas lang po ng loob saka sabi po ni Coach, bumawi raw po kami sa depensa,” ani Kershey Clart Mataro, point guard at ang pinakamaliit na manlalaro sa grupo.
Nanalo ang CALABARZON sa score na 67-38 sa kanilang unang laban sa Palarong Pambansa 2023 Basketball Boys Elementary Level.