Upang mapanatili ang kalinisan ng katubigan sa ating kapaligiran, nilikha ng mga estudyante ng Quezon City Science High School (QCSHS) ang CyaNoMore: Cyanobacterial Harmful Algal Blooms (CyanoHABs) Monitoring and Removal Device through Ultrasonic Radiation, isang device para puksain ang CyanoHABs sa tubig hanggang sa mabawasan ang konsentrasyon ng severely at moderately contaminated na tubig.

Ayon sa research study ng mga estudyanteng sina Aerol Jay C. Meriales, Paul Renjay R. Puno, Kate Hillary N. Colinares, Juliene Ayeesha D. Dalde, Precious Clara C. Mariano, Juliana Mae M. Noveno, Raissa Joyce C. Pascual, at Lauren Juliana B. Sison, sa Laguna de Bay ay laganap sa cyanobacteria na maaaring maging CyanoHABs kapag hindi naagapan.

Ito ang dahilan kung bakit nagiging blue-green ang tubig lalo na sa panahon ng tag-init.

Gamit ang CyaNoMore, nagpapalabas ang device ng ultrasonic waves sa ilalim ng tubig upang kontrolin ang pagbuo ng CyanoHABs na mapamuksa sa mga organismo, kalikasan, at kalusugan ng tao.

Nadedetermina nito ang lebel ng konsentrasyon ng nito pamamagitan ng pagsusukat ng absorbance level gamit ang built-in spectrophotometer at nagpapakita ng klasipikasyon kung gaano kalala ang nakitang CyanoHABs concentration.

“Ang pagpuksa sa CyanoHABs ay nagko-contribute sa healthier environment, pagpapabuti ng kalidad ng tubig, at enhanced well-being sa ecosystem para sa mga residente na malapit sa Laguna De Bay,” ayon sa kanilang Research Adviser na si Bb. Genevieve C. Vasquez.

Ang positibong epekto nito ay di lamang sa buhay ng tao kundi sa pang-araw-araw na buhay sa mas malawak na ecological level,” dagdag niya.

Sa tulong ng QCSHS, nagsagawa ng pag-aaral ang mga bata at sinimulan ang pagkukumpuni at pag program ng CyaNoMore. Sinusubukan ang device sa kontaminadong tubig mula sa Bunot Lake, bahagi ng Seven Crater Lakes sa San Pablo, Laguna, at dito nakakita sila ng significant decrease ng CyanoHAB concentration post-treatment na siyang nagpapakita kung gaano kaepektibo ang device.

“Salamat sa tiwala at suporta ng aming research adviser, research coordinator, Science Department Head at punong guro ng paaralan, nakapag-conduct kami ng mga off-campus activities upang makapag-collect ng makailang-beses ng mga water samples sa Laguna de Bay para sa aming research. Kailangan naming itong ulit-ulitin dahil sa short life span ng bacteria sa kanilang unpreserved state,” ani researcher na si Juliana.

Labis naman ang paghanga ng punung-guro ng QCSHS na si G. Carolyn Simon sa husay ng mga bata lalo na sa pagbibigay halaga ng mga ito sa kalikasan.

“Ang resulta ng pag aaral nato ay malaking potensyal para sa “sustainable” o likas -kasya na mga paraan upang mapanatili ang kalidad ng ating mga tubig sa reserba. Ako ay lubos na umaasa na lalo pang paghuhusayan ng mga batang ito ang kanilang proyekto para makatulong sa ating bansa upang makamit natin ang ating mga “sustainable development goals,” wika ng punong-guro.

Binigyang-puri naman ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang kanilang research at binigay ang kanilang buong suporta sa pagpapatuloy at pagpapalawak nito.

“Ang kanilang pagkilala at mga rekomendasyon ay testament sa aming potensyal na makatulong sa kalikasan at makapag-ambag sa scientific community,” ani Bb. Vasquez.

END