18 Setyembre 2024, TINGNAN: Nagsagawa ng ceremonial signing ang DepEd at Rebisco Food Group upang i-address ang mga kasalukuyang learning gaps sa mga pampublikong paaralan nitong Martes ng hapon, Setyembre 17.

Sa pamamagitan ng REBISCOVER Learning Program ng REBISCO, patuloy ang pagbibigay suporta nito sa Kagawaran sa ilan sa mga pangunahing pangangailangan nito tulad ng pag develop ng mga learning materials na align sa kasalukuyang kurikulum, construction ng mga schoolbuildings at canteens, at dagdag suporta para sa Brigada Eskwela, School-based Feeding Program at National Teachers Day celebration.

Labis naman ang pasasalamat ni Secretary Sonny Angara sa suportang ibinibigay ng Rebisco Food Group sa ilang taong nilang partnership sa Kagawaran at sa pagpapalawak pa lalo ng suportang ibinibigay nito tulad ng restoration ng mga sports facilities na layong pag-ibayuhin ang youth values formation at wellness sa pamamagitan ng sports.