HUSAY SA BISWAL NA SINING, SHS ALUMNA NAGING INSPIRASYON NG MARAMI
Kinahuhumalingan ng mga kabataan sa buong daigdig, lalo na sa Pilipinas, ang panonood ng anime at cartoons dahil sa kamangha-manghang grapiko at animation ng mga palabas nito. Nabuo ang pangarap ni Adrean L. Tolosa na produkto ng unang batch ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) mula sa Pasay City West High School na maging 2D animator dahil sa panonood ng mga animated na palabas. |
|
GUHIT NG PANGARAP, INSPIRASYON PARA SA LAHAT
Marami mang pagsubok ang kaniyang kinaharap dulot ng pandemya, hindi ito naging hadlang kay Jestoni A. Rubantes na ipakita sa mundo ng social media ang kanyang natatanging talento. |
|
MODERNONG PAARALAN, POSIBLE SA KLEVRLY APP NI ELJOHN
Malaking pagbabago ang idinulot ng teknolohikal na inobasyong tinatawag na “Klevrly” (dating Smart Schools Philippines) sa pagpapabuti ng kabuoang pangangasiwa ng mga pampublikong paaralan sa munisipalidad ng Claver, Surigao del Norte. Ang bumago ng takbo ng sistema ay walang iba kundi ang Senior High School graduate na si Eljohn S. Crisostomo na CEO at Founder ng sariling kumpanya sa edad na 20. |
|
PATOK NA MILKTEA NI BARBIE, TAGUMPAY NG DIBISYON NG BISLIG CITY
Kinilala ang isang sikat na tea line na pinangalanang ‘J&Tea Express’ sa Feelings Village, Mangagoy, Bislig City, sa pagbibigay ng pang-araw-araw na ‘positivity in a cup’ at magandang milk tea experience. Ito ay sa pamamagitan ni Jayson D. Sarmiento na nagpasimula ng milk tea shop. Isa siya sa mga matagumpay na graduates ng Stand Alone Senior High School – Bislig City ng Bislig City Division noong 2018. Kabilang sa kauna-unahang implementasyon ng SHS sa bansa. |
|
SINING PULIDO, GAWANG POLIDO
Maituturing na malikhain ang henerasyon ngayon sapagkat kinagigiliwan ng marami ang mga pasyalan na nagtatampok ng sining at tila bang sumisigaw ng ‘post me’ sa Instagram at Facebook mapa-art gallery, museo, tanghalan, at iba pa. Ngunit, sino ang mag-aakala na ang itinatampok na ‘Instagrammable’ wall murals ay likha ng isang alumni ng Greenfield High School (GHS) sa Poblacion, Arakan, Cotabato. |
|
INSPIRASYON AT HAMON SA BUHAY: SANGKAP NG TAGUMPAY
Marami mang mapapait na karanasan ang sumubok kay Mark Angelo I. Espineda II at sa kanyang mga pangarap, nanatili ang kanyang pagpupursigi, pagmamahal sa pagluluto, at paniniwala sa kanyang mga kakayahan. Ayon kay Mark, ito ang mga sangkap sa kanyang pagtatagumpay. |
|
PAGPINTA NG BUHAY, TIWALA SA SARILI ANG PUHUNAN
Sa pagtitiwala sa sarili at tulong ng social media app na TikTok, mas nahubog ang kakayahan sa pagpipinta at nasuportahan ang kaniyang pag-aaral at pamilya ni Jean Pauline J. Maglangit, isang Senior High School graduate sa ilalim ng Academic Track at Strand na Humanities and Social Sciences mula sa Opol National Secondary Technical School sa Misamis Oriental. |
|
PAGHINANG NG BUHAY SA KINABUKASANG MATAGUMPAYSWAK NA SANGKAP SA PAG-ABOT NG PANGARAP
Kakaibang dedikasyon, talento, at pagpupursige sa buhay ang naging susi upang maabot ang pangarap na maging isang propesyunal na welder sa Axelum Resources Corporation, isa sa pinakamalalaking kumpanya na nagmamanupaktura at nag-e-eksport ng mga dekalidad at premium na produkto ng niyog. Ang natatanging nasa likod ng tagumpay na ito ay si Oliver N. Laurio na isang Senior High School graduate ng Medina National Comprehensive High School sa Medina, Misamis Oriental. |
|
SWAK NA SANGKAP SA PAG-ABOT NG PANGARAP
Isang pakete ng sipag, dalawang sandok ng tiyaga, at tatlong tasa ng determinasyon – ‘yan ang naging recipe ni James R. Paña, Technical Vocational Livelihood – Cookery NC II Senior High School graduate ng Opol National Secondary Technical School mula sa Misamis Oriental, tungo sa matamis niyang tagumpay. |
|
ILAW NA GABAY SA KINABUKASAN
Nagsisilbing tanglaw sa gitna ng karimlan ng mga pagsubok ang pagpapatuloy sa edukasyon sapagkat ito ang maaaring makapagbigay ng pagkakataong mabago ang pamumuhay sa habangbuhay. ‘Lifeline’ kung maituturing ni Jerick C. Dominguez ang kanyang pag-aaral at pagtatapos sa Senior High School dahil itinuturing niya itong mahalagang sangkap tungo sa pagbabago at pagtatagumpay mula sa lahat ng hamon sa buhay. |
|
ANG ALAB AT APISYON SA LIKOD NG LENTE
Sa bawat obra at kulay na nasasagap mula sa lente ni Jared, lalo lamang sumisidhi ang kaniyang pagkagiliw at dedikasyon sa kaniyang ginagawa. |
|
TAMANG SANGKAP SA TAGUMPAY
Bilang isang mag-aaral na mayroong kapansanan, maraming pagsubok ang kinaharap ni Jenica Mae M. Serrano, isang Senior High School graduate sa ilalim ng Technical-Vocational-Livehood track mula sa Peňafrancia, Daraga, Albay. |
|
OBRA NG SHS GRADUATE, PANG MISS UNIVERSE
Umani ng mga papuri at parangal ang National Costume ni Miss Universe Nigeria sa katatapos lamang na Miss Universe Competition. At ang nasa likod ng kamangha-manghang costume na ito ay si Kennedy Jhon T. Gasper, isang batang Filipino designer na kamakailan lang ay nagtapos ng Senior High School. |
|
PAGMASA TUNGO SA MATAMIS NA PANGARAP
Aabutin. Tutuparin. Kakamtin. Ilan lamang ito sa mga salitang isinasabuhay Mark Lawrence D. Cayabyab, isang Senior High School graduate at batang negosyante ng Speaker Eugenio Perez National Agricultural School (SEPNAS) sa Schools Division Office – San Carlos City sa Pangasinan, na nangangarap balang-araw na magkaroon ng sikat na café at restaurant. |