Bagama’t hindi na naglalaro sa Palarong Pambansa ang anak na Pole Vault athlete na sina Emily at World Number 2 Ernest John “EJ” Obiena, umaapaw pa rin ang suporta ng kanilang ina na si Maria Jeanette Obiena sa mga atletang Pilipino sa 2023 Palarong Pambansa.
Ayon kay Jeanette, na isa ring 100m hurdler noong siya ay nasa kolehiyo at ngayo’y isang coach sa 12 years old and under at kids athletics master trainer sa Asia, pinili niyang magsilbing technical official ng athletics para sa Palarong Pambansa ngayong taon upang lalong maipakilala ang athletics sa mga bata nang sa gayo’y makakuha sila ang basic skills tulad ng agility, coordination, at balance, at madala ito sa iba pang sports.
“This is just my one way of giving back. It is my one way of giving back to the country and also to my Federation and also to the Asian Athletics Association of spreading athletics not only in the Philippines but in the world,” sabi niya.
“That is why I’m still here, helping the grassroots from our level [so] that the officiating would be the way it should be officiated in the international stage. Kahit hindi napunta dun yung mga bata natin, they got the feeling this is how it is done internationally,” dagdag pa niya.
Kwento ni Jeanette na bago sumabak sa mga internasyunal na kompetisyon at narating ang Tokyo Olympics, sumali rin ang anak na si EJ sa Palarong Pambansa noon at nagkamit ng pilak na medalya para sa Pole Vault event. Aniya, “galing din po siya ng Palaro pero never po siyang naging gold medalist.”
“I also want to see somebody not necessarily from the field of Pole Vault pero syempre mas masaya kung galing doon, but definitely someone that would be representing our country coming from Palaro,” pagbabahagi niya.
Ani Jeanette, masaya siya sa lahat ng tagumpay na tinatamasa ng kaniyang anak at nagpasalamat sa lahat ng taong sumuporta kay EJ mula sa simula.
Tulad ng lagi niyang pinapayo sa kanyang anak, pinaalalahanan niya ang mga batang atleta na bahagi ng kompetisyon at buhay ang pagkatalo at kailangan lamang magpatuloy at gamitin ang karanasang ito para mapabuti pa ang sarili.
“Everybody kapag open ka for comments or for improvement, definitely when you grind or you train more mas malayo yung mararating natin. Yun lagi yung sinasabi ko sa kanya. Yes, you fail now, get the pieces of that kasi you’re broken. Pick up all the pieces, learn from it and move on,” saad niya.