29 Setyembre 2024, TINGNAN: Sa isang makabuluhang pagdiriwang ng karunungan at kahusayan, dumalo si Education Secretary Sonny Angara sa Gawad Karangalan 2024 na ginanap sa City of Dasmariñas Arena nitong Linggo, Setyembre 29. Pinangunahan ni Hon. Jenny Austria-Barzaga, Mayor ng Lungsod ng Dasmariñas, ang programa kasama si Hon. Raul Rex Mangubat, Vice Mayor, at iba pang mga pinuno ng lungsod.

Sa okasyon, kinilala ang humigit kumulang 2,000 na natatanging mag-aaral mula elementarya, sekundarya, tersyarya, at post-gradweyt na mga kurso. Bukod dito, pinarangalan din ang 952 topnotcher at placer mula sa mga bar at board examinations.

Nag-alay din ng taos-pusong tribute si Secretary Angara para sa yumaong si Cong. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., na kinikilala sa kaniyang walang sawang dedikasyon niya para sa Lungsod ng Dasmariñas at sa edukasyon.