1 Oktubre 2024, TINGNAN: Nakisaya si Education Secretary Sonny Angara sa #GrandGathering2024 ng Gabay Guro, na ginanap nitong Linggo, Setyembre 29, 2024 sa Meralco Theater, Ortigas Avenue, Pasig City. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Secretary Angara ang mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng bansa at ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon.

Kasama nina Chairman Manny V. Pangilinan at Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla, nagpasalamat si Secretary Angara sa mga natatanging guro at mga partners sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month. Samantala, nagtanghal din sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Gabby Concepcion, Willie Revillame, Zsa-Zsa Padilla, Pops Fernandez at iba pang mga kilalang artista bilang pagpaparangal sa mga guro.