11 Oktubre 2024, TINGNAN: Bilang bahagi ng kanyang patuloy na adbokasiya para sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon, bumisita si Education Secretary Sonny Angara sa Cagayan de Oro City nitong Oktubre 10 at 11.
Unang dinalaw ni Secretary Angara ang Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) kung saan pinag-usapan ang iba’t ibang isyung kinahaharap ng nasabing paaralan maging ng ilang SDO sa Region 10.
“We are here to assist you and I think with good coordination, mas marami rin tayong solusyon,” pahayag ni Secretary Angara sa nasabing pagpupulong.
Tinalakay niya rin ang mga inisyatibong ipinapatupad ng DepEd sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasama ni Secretary Angara ang iba pang miyembro ng Management Committee ng DepEd na binubuo ng Executive Committee Members at Bureau, Service, at Regional Directors ng ahensya.
Dumalo rin si Secretary Angara sa 53rd National and 14th International Convention ng Philippine Association for Teachers and Educators (PAFTE) para talakayin ang direksyon ng Kagawaran pagdating sa pagpapatibay ng mga programa sa teacher education at professional development.
Samantala, binisita rin ng mga opisyal ng Kagawaran ang paaralan ng Cagayan De Oro National High School at Tagoloan Central Elementary School.