August 14, 2008 DO 59, s. 2008 – Isinaayos na mga Panlahat at Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto sa 2002 BEC-Filipino sa Antas Sekondari
August 14, 2008
DO 59, s. 2008
Isinaayos na mga Panlahat at Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto sa 2002 BEC-Filipino sa Antas Sekondari
Sa mga: Direktor Panrehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralang Sekondari
- Ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondari sa pamamagitan ng Sangay sa Pagpapaunlad ng Kurikulum ay patuloy sa pagsasagawa ng mga gawaing magpapayaman sa kurikulum sa Filipino upang patuloy na matugunan ang kahingian ng 2002 Basic Education Curriculum bilang isang larangan.
- Isa sa mga gawaing nabanggit ay ang pagsasagawa ng mga konsultasyon at kumperensiya sa pagpapayaman ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa Filipino sa Antas Sekondari na nilahukan ng mga piniling eksperto sa larangan ng pagpapaunlad ng wika at panitikan mula sa iba’t ibang pamantasan, rehiyon at mga paaralang pampubliko at pribado.
- Batay sa kinalabasan ng mga isinagawang konsultasyon at kumperensiya, kalakip nito ang mga Isinaayos na Mga Panlahat at Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto sa 2002 BEC-Filipino mula Unang Taon hanggang Ikaapat na Taon sa Antas Sekondari.
- Hinihiling ang dagliang pagpaparating sa mga kinauukulan ng mga impormasyong nakapaloob sa Kautusang ito.
Kalakip: Gaya ng nasasaad
Sanggunian: Wala
Pamumudmod: 1—(D.O. 50-97)
Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa:
CURRICULUM
SECONDARY EDUCATION
Learning Area, FILIPINO