August 14, 2013 DO 34, s. 2013 – Ortograpiyang Pambansa

August 14, 2013
DO 34, s. 2013
Ortograpiyang Pambansa

Sa mga: Direktor ng Kawanihan
Direktor ng Rehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno/Puno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan

  1. Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay masusing pinag-aralan ang mga nagdaang ortograpiyang Filipino na kasalukuyang ipinapatupad sa mga paaralan. Mula sa serye ng konsultasyon nabuo ang Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino na may pamagat na Ortograpiyang Pambansa.
  2. Ang Ortograpiyang Pambansa ay isang paglingon sa kasaysayan ng ortograpiyang Filipino, pagpapanatili ng mga maiinam na puntong gabay sa ortograpiya, at pagsasaalang-alang sa mga katutubong wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdagdag ng tunog ng schwa mula sa Ibaloy, Pangasinan, Mëranaw, at iba pa na kakatawanin ng titik ë at ang aspirasyon mula sa Mëranaw. Kalakip nito ay ang kopya ng Ortograpiyang Pambansa.
  3. Layunin ng naturang ortograpiya na mailahok ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubong wika tungo sa estandardisadong ortograpiyang Filipino na maaaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas. Naniniwala ang Komisyon na magiging mainam na ambag ito sa pagbuo ng mga kagamitang panturo ng mga guro at pagpapahusay ng mga akda, dokumento, komunikasyon, at iba pa ng pamahalaan, ng media at ng mga pabliser.
  4. Para sa iba pang detalye, ang mga kinauukulan ay maaring tumawag o makipag-ugnayan sa:Komisyon sa Wikang Filipino
    2/F Watson Building, No. 1610 JP Laurel Street
    Malacanan Palace Complex, San Miguel, Maynila
    Telepono Big.: (02) 733-7260; (02) 736-2519; (02) 734-5447 Website Address: www.kwf.gov.ph
  5. Hinihiling ang dagliang pagpapalaganap at pagpapatupad ng Kautusang ito sa mga kinauukulan.

Kalakip: Gaya ng nasasaad
Sanggunian: Kautusang Pangkagawaran Big.: 104, s. 2009 at 42, s. 2006

Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa:
CHANGE
LANGUAGE
Learning Area, Filipino
RULES & REGULATIONS

DO_s2013_034