DepEd Bicol, humakot ng parangal sa kauna-unahang Pambansang Pagkilala ng mga DRRM Coordinators
Nanguna ang mga Division Disaster Risk Reduction and Management o DRRM coordinators ng DepEd Bicol sa ginawaran ng mga parangal sa kauna-unahang pagkilala sa mga DRRM Coordinators na isinagawa bilang tampok na kaganapan sa huling araw ng National Conference on Climate Change na isinagawa sa Great Eastern Hotel sa Lungsod ng Quezon noong ika-21 ng Nobyembre 2017.
Umabot sa labing pitong parangal ang hinakot ng mga division DRRM Coordinators ng DepEd Bicol bilang pagkilala sa kanilang bukod tanging gawain sa larangan ng DRRM sa kanilang dibisyon at pagtulong sa iba pang dibisyon sa buong bansa sa oras ng mga sakuna at emerhensiya.
Ang mga nakatanggap ng mga parangal ay sina: Joseph John Perez ng DepEd Sorsogon Province sa Kategoryang Good Practice in DRRM and Climate Change Adaptation; Mark Harris Lim ng Albay sa Kategoryang Natatanging Pagkilala o Special Recognition for Psychological First Aid for Marawi teachers and learners at Post Disaster Needs Assessment; Dennis Mijares ng Camarines Sur – Natatanging Pagkilala sa Post Disaster Needs Assessment; Joseph Renee Bacea ng Tabaco City – Natatanging Pagkilala sa Psychological First Aid, Post Disaster Needs Assessment at Post Conflict Needs Assessment; Rolan Alianza ng Legazpi City – Natatanging Pagkilala Sa Post Conflict Needs Assessment at Post Disaster Needs Assessment; Julius Gonzales ng Ligao City – Natatanging Pagkilala Sa Post Conflict Needs Assessment at Post Disaster Needs Assessment; Geronimo Burce ng Camarines Norte – Natatanging Pagkilala sa Post Disaster Needs Assessment and Response for Marawi; Mark Anthony Rosal ng Masbate Province – Natatanging Pagkilala sa Post Disaster Needs Assessment at Post Conflict Needs Assessment; at Maria Audrea Vivo ng Catanduanes para sa Natatanging Pagkilala sa Psychological First Aid, Post Disaster Needs Assessment at Post Conflict Needs Assessment.
Kasunod ng DepEd Bicol ang Region IVA o CALABARZON sa nakatanggap din ng maraming bilang ng parangal. Inaasahang mas dadami pa ang kategorya ng parangal sa susunod na taon bilang resulta ng konsultasyong isinagawa ng DRRM Service ng Central Office sa DRRM coordinators ng buong bansa.